Anne Curtis Pinagtodo buyangyang sa movie!

SINO ba naman kasi ang hindi maa-afraid na lahat ng susundan mong pelikula like “The Mistress” of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, at movie nina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano na “This Guy’s In Love With You Mare”, na parehong produced ng Star Cinema at co-prod naman ang Viva, ay pawang mga blockbuster?

As of presstime ay mahigit P200 million na ang kinikita ng nasabing biggest comedy movie event of the year na ito at kahit sabihin pang co-producer nga si Boss Vic del Rosario sa huling pelikula, may nararamdaman pa ring takot factor ang big boss na ito ng Viva Films para sa latest movie na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Andi Eigenmann at Derek Ramsay. Kaya para mawala ang kaba, dinagdagan raw ng matitinding love scenes si Anne with Derek. Grabe raw ang lampungan ng dalawang ito sa kanilang bathtub scenes kung saan halos lumuwa na ang boobs ni Ms. Curtis.

Ganuned? Walang tiwala si Boss Vic sa pagdi-daring ni Andi sa movie kaya’t kailangan pang magdagdag ng daring scenes para kay Anne na buong ningning pa namang nagmalaki na hindi siya gaanong nagpa-sexy sa bagong film at ipinaubaya na raw nito ang lahat ng titillating scenes kay Andi na fresh na fresh pa sa field na ito.

Well, harinawa’y kumita nga sila gyud!

***

Newest diva Jayke Reyes mangangabog sa music scene

ANG globally famous King of Talk na si Kuya Boy Abunda ang siyang naging daan para matupad ng newest diva na si Jayke Reyes na ma-penetrate ang local music scene at magkaroon ng sariling album. Ngayon, maliban sa may ipinagmamalaking album ang young singer, kabilang na siya sa hanay ng mga kilalang celebrities at singers na mga dekada ng mina-manage ng Backroom Incorporated na ang bookings ay hindi lang pang-local kundi pang-international rin.

Aba! Tunay namang may “K” at world-class performer pala itong si Jayke at pinatunayan niya ito nang humarap siya sa ilang invited press para iparinig ang ilang songs na hango sa kanyang self-titled album na Jayke Reyes na distributed nationwide ng Ivory Music.

Kabogera pa ring tunay ang mahusay na singer from Los Angeles California nang bumisita aming top-rating daily showbiz radio program na Star Na Star Sa DWIZ with my BFFT Pete A and Abe Paulite aka Papa Umang. Halos lahat nang staff ng aming istasyon ay talagang natigil sa kanilang pagtatrabaho para mapakinggan lang ang mga bagong renditions ng dalaga sa mga hits nina Bugoy Drilon na Paano Na Kaya at super binirit niyang Kay Palad mo ng singer noong dekada 90 na si Lilet. Ang nasabing song rin bale ang carrier single sa album ng baguhang versatile singer.

Abangan si Jayke sa kanyang hanep na performance sa ilang naka-schedule na mall shows. Sa darating na October 27 ay nasa SM Baliwag siya, Novermber 9(SM Novaliches), November 10 (SM Rosario), November 24(SM Masinag) and on December 9 ay mapanonood naman siya sa SM Clark.

At para sa mga gustong kunin si Jayke, please call Backroom Office at 435-1108 and 435-1120 o kaya ay i-email sila sa backroominc@hotmail.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply