Anti-Epal Bill, umarangkada na sa Senado

ISINUSULONG na ng dalawang komite sa Senado ang pagsasabatas ng panukala ni Sen. Miriam Defensor Santiago na Anti-Epal Bill.

Sa anti-epal bill na in-endorso ng Senate Committee on Civil Service at ng Committee on Public Works, bawal ang litrato, logo, pangalan o initials ng mga politiko mula sa simula hanggang sa matapos o makumpleto ang isang pampublikong proyekto.

Sakaling tuluyang naging batas ay puwedeng ipa-baklas kaagad sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga karatula ng mga “epal” na politiko sa tulong ng mga pamahalaang lokal at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa substitute bill ng dalawang komite na pinamunuan nina Sen. Bong Revilla at Sen. Antonio Trillanes – walang itinakdang parusa sa bill.

Gayunman, pwede pa ring makasuhan ng administratibo ang mga tauhan ng DPWH at LGU’s na mabibigong baklasin ang mga karatula ng mga epal na politiko.

Matatandaang ini-akda ni Santiago ang Anti-Epal Bill sa paniwalang ‘highly unethical’ na angkinin ng isang politiko ang proyektong ipinagawa mula sa pera ng taumbayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply