Anti-smoking campaign ng DOH, pinondohan ng int’l NGO

UMAMIN kahapon si Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona na tumanggap sila ng $369,877 sa isang US-based foundation para ikampanya ang di paninigarilyo sa bansa.

Ani Ona, “grant” at hindi “lobby money” ang nasabing perang tinanggap ng DOH-National Center for Health Promotion (NCHP) mula sa Bloomberg Initiative (BI) Grants Program ni New York City Mayor Michael Bloomberg.

Nais umano ng Gates Foundation na namumuno sa Bloomberg Foundation na suportahan ang kampanya ng bansa sa public education at mga public health measure.

Para din umano ito maipaliwanag ng maayos ang mga anti-smoking campaigns ng bansa, public educaton sa HIV at malaria.

Aniya, ginagamit ng DOH ang pondo para sa imprenta ng mga information, education and communication (IEC) materials para sa anti-smoking advocay ng ahensya at ng Bloomberg Foundation at sa paglalagay ng adverstisment sa telebisyon at radyo.

Bukas umano ang DOH na ipakita sa publiko ang detalye o report kung saan napupunta ang pondong ibinibigay ng Bloomberg Foundation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply