Anti-smoking drive ng MMDA, tumanggap rin ng pondo sa Bloomberg

KINUMPIRMA rin ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino na binigyan din sila ng Bloomberg Foundation ng $180,000 financial grant.

Aniya, may kontrata na o memorandum of agreement (MOA) ang MMDA nang maupo siya ngunit sa kanyang panunungkulan inumpisahan ang implementasyon nito.

Ginagamit umano ang pondo sa malakawang anti-smoking drive sa Metro Manila.

Nagsanay din umano sila ng mga health officer para sa mga roving clinic na nagbibigay ng counselling sa mga nais nang huminto sa paninigarilyo.

Bukas din umano ang MMDA na ipakita kung saan napupunta ang “grant.”

Gayunman, ina-audit din umano sila ng foundation at maaari itong isapubliko ng MMDA anumang oras.

Matatandaang ibinulgar ni Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) chief Manuel Mamba na tumanggap ng $5 milyong “lobby money” ang Senado para suportahan ang watered-down version ng Sin Tax bill ni Senador Ralph Recto.

Gayunman, nagbitiw na kahapon si Recto sa kanyang bersyon ng Sin Tax Bill.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply