AO 31 ni PNoy kontra-masa at sino si Rowena Tuason?

TULIRO na ako, parekoy, sa kaiisip kung bakit nilapastangan ng PNoy administration ang kanyang mga pangako.

Kung tutuusin, wala naman siyang “remarkable credentials” maliban sa pagiging anak nina Ninoy at Cory.

Pero ibinoto pa rin siya ng mga maralitang Filipino na maging Pangulo ng bansa.

Kumbaga, pinagtiyagaan ng taumbayan ang kanyang kakarampot na karanasan.

Dahil nagbabakasakali tayo na kung hindi man lahat, at least may matupad man lang sa kanyang mga ipinangako noong election . . . Resulta? Kabaligtaran lahat ang nangyayari ngayon!

Pangako ni PNoy na tutulong maisabatas ang FOI Bill.

Pero sa halip na “Freedom Of Information,” ang nilagdaan niya ay “anti-cybercrime” na kinapalolooban ng “cyber-libel.”

O pagsikil sa “freedom of the press and expression!”

Nangako rin si PNoy noon na lulutasin ang nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin dito sa ating bansa.

‘Di na nga napigil ang nag-taasang presyo, nilagdaan pa ang Administrative Order 31 (AO-31) na nagpapahintulot sa mga sangay ng pamahalaan na taasan ang singil sa mga papeles gaya ng birth certificate, death cert., passport at iba pang dokumento na madalas kailangn ng taumbayan!

Hindi na tinupad ang mga pangako, saliwa pa ang pinaggagawa! Hindi na nga naawa sa mahihirap, idinidiin pa lalo!

-o0o-

KANDIDATO mayor sa Masbate City, ang alam ko noon na siya ring alam ng ibang Masbateño, si Rowena ay isa lamang ordinaryong asawa ni incumbent Mayor Socrates Tuason.

Parekoy, hindi pa pala nangangarap pumasok noon sa pulitika si Mayor Ates ay matagal na sa Local Government Services si Rowena Tuason.

Ayon kay dating Masbate City Mayor Johnny Sanchez, isa sa mga dahilan kaya nagtiwala siya noon sa kakayanan ni Rowena, dahil 3 1/2 yrs lang nito tinapos sa U.P. ang kursong BS Economics! Wow ha!

At dati rin itong nagsilbi sa tanggapan ni dating Masbate Gov. Emilio Espinosa. Ayon pa kay Sanchez tiyak niyang alam ni Rowena from A to Z ang trabaho sa local government!

-o0o-

REACTION/SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply