Apela ng PLDT sa usapin ng foreign ownership ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court ang inihaing apela ng Philippine Long Distance Telephone Company o PLDT na humihiling na mabaligtad ang naunang ruling ng Kataas Taasang hukuman kaugnay sa isyu ng foreign ownership sa mga public utility sa bansa.

Sa botong 10-3, ibinasura ng SC ang motion for reconsideration ng PLDT kaugnay sa desisyon ng korte noong June 28, 2011.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing petisyon ni Atty. Wilson Gamboa kung saan kinuwestiyon nito ang saklaw ng foreign ownership sa PLDT na isang public utility.

Sa ilalim ng Konstitusyon, dapat ay pag-aari ng mga Filipino ang 60 percent na sapi sa isang public utility at ang foreign equity ay limitado lamang sa 40 percent.

Hiniling din ng petitioner na mapawalang bisa ang bentahan ng shares of stock ng Philippine Telecommunications Investment Corporation o PTIC sa Metro Pacific Assets Holdings, Inc., affiliate ng First Pacific Company Limited na nakabase sa Hong Kong.

Sa desisyon ng korte, nagpalabas ito ng ruling hinggil sa kahulugan ng “capital.”

Ayon sa Korte Suprema, ang terminong capital alinsunod sa Section 11, Article 12 ng 1987 Constitution ay tumutukoy lamang sa shares of stock na magbibigay ng kapangyarihan sa may hawak nito na magkaroon ng partisipasyon sa botohan ng board of directors.

Sa kaso umano ng PLDT, ang capital ay tumutukoy sa common shares at hindi sa kabuuan ng capital stock na tumutukoy sa parehong common at non-voting preferred shares.

Kaugnay nito, inaatasan ng Korte ang Securities and Exchange Commission na imbestigahan kung nakakatalima ba ang PLDT sa itinatakda ng Konstitusyon

At sakali umanong may paglabag ang PLDT sa hangganan ng foreign ownership, dapat itong magpatupad ng kaukulang parusa sa ilalim ng batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply