Apela ng rapist, ibinasura ng SC

IBINASURA ng Korte Suprema ang apela ng isang akusado sa kasong panggagahasa mula sa lalawigan ng Quezon.

Una rito, naghain ng apela si Juanito Garcia alyas “Wapog” sa Korte Suprema kung saan kinuwestiyon nito ang June 30, 2011 ruling ng Court of Appeals na nagpatibay sa hatol na guilty ng mababang hukuman sa Calauag, Quezon sa kasong statutory rape at acts of lasciviousness.

Si Garcia ay inireklamo ng tatlong ulit na panggagahasa noong 2001 ng kanyang walong taong gulang na pinsan.

Sa 14-pahinang desisyon ng Supreme Court First Division na isinulat ni Associate Justice Bienvenido Reyes, ibinasura ng hukuman ang apela ni Garcia dahil sa kawalan ng merito.

Kumbinsido ang Korte Suprema na napatunayan ng prosekusyon ang bintang na panggagahasa laban kay Garcia lalu na nang iharap nito ang resulta ng medical findings sa biktima na magpapatunay na nagtamo ito ng hymenal laceration.

Kaugnay nito, hinatulan ng Korte Suprema si Garcia ng parusang reclusion perpetua para sa kasong statutory rape, at parusang aresto mayor o pagkabilanggo ng mula anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan para sa kasong acts of lasciviousness$

Pinagbabayad din ng hukuman si Garcia ng kabuuang P182 libong piso bilang civil indemnity, moral damages at exemplary damages sa biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply