9-anyos na nene dinalirot ng lover ni lola

KULONG ang isang 44-anyos na lalaki matapos daliriin ang apo ng ka-live-in sa Caloocan City, kagabi (Oktubre 12).

Nakilala ang suspek na si Danilo Mendoza, na taga-Saint Joseph St., Administration Site, Tala ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, natutulog sa kuwarto ang neneng na edad 9 taong gulang nang pasukin ng suspek at isagawa ang kahalayaan.

Makalipas ang ilang sandali ay iniwan na ng suspek ang biktima na nagsumbong naman sa kanyang ina.

Sinamahan ng ina ang anak sa presinto at ipinadakip ang suspek.

Nabatid na nagsimula ang pananamantala ng suspek sa bata nito pang Hunyo ng kasalukuyang taon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply