Ari natapunan ng gasolina, nagliyab

Tacurong City, Sultan Kudarat – Nagpapagaling na ang isang lalaki matapos aksidenteng masunog ang kanyang ari habang naglilinis ng nitso.

Kinilala ang biktima na si Rechie Florez, 25, tagalinis ng nitso,  ng Dagohoy Paradise, Barangay North, General Santos City.

Nabatid na biglang nagliyab ang katawan ng biktima matapos aksidenteng matapon ang garapon na mayroong laman na gasolina na umabot sa nakasinding kandila.

Sa panayam sa biktima, nakayuko siya habang naglilinis sa isang puntod sa Forest Lake Cemetery nang dumaan sa kanyang likuran ang isang kasamahan at  nasagi ang container na pinaglagyan ng gasolina.

Nagkataon namang may nakasinding kandila ang biktima sa nililinisang puntod dahilan kaya nagliyab agad ang ari ng biktima na natapunan ng gasolina.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply