ARMM kontrolado pa rin ng national government

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na mananatiling kontrolado pa rin ng national government ang foreign policy, internal defense, justice system at external security sa Mindanao kahit malagdaan na ang preliminary framework agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Oktubre 15, kung saan papalitan na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima bagamat nais ng MILF ng awtonomiya ay hindi naman ito nangangahulugan na nakahiwalay na ito.

“They asked for more autonomy, ok lang yun… Malaking bagay na hindi pinursige ng MILF yung layunin nila for a sub-state. Naging kuwestiyunable yun, a sensitive issue. Why create a sub-state? This is just one state, one country,” pahayag ni De Lima.

Maging ang pagpapatupad umano ng justice system sa Mindanao ay nasa ilalim pa rin ng Supreme Court, mananatili umano ang hurisdiksyon ng mga shariah courts sa SC.

“While the framework agreement contains the “overview and the general ideas and principles” of the final peace pact, annexes will eventually be attached to it containing “power-sharing” between the national and NPE governments, and the sharing of wealth and revenues”paliwanag ng kalihim.

Sa ilalim ng bagong utonomous political entity (NPE) ay tatawagin na itong “Bangsamoro sa halip na ARMM at resulta ito ng isinagawang exploratory talks ng administrasyong Aquino at MILF.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply