Arraignment ni Padaca ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ngayon ang arraignment ng kasong graft at malversation of public funds na isnampa laban kay dating Isabela governor at ngayon ay Comelec Commissioner Grace Padaca.

Ito ay matapos na pagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit o urgent motion ni Padaca na humihiling na ipagpaliban ang arraignment na itinakda sana ngayong araw.

Ang ikinatuwiran ni Padaca ay mayroon siyang mosyon na nakasampa sa Supreme Court na pwedeng mabalewala kapag natuloy ang pagbasa ng sakdal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply