Arrest order ng Sandiganbayan vs ex-PGMA, hinarang ng SC

PINIGILAN ng Supreme Court ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder.

Sa 2 pahinang resolusyon ng SC third division na may petsang October 24, nagpalabas ito ng temporary restraining order laban sa warrant of arrest kay dating Pangulong Arroyo.

Hinarang din ng Korte Suprema ang pagdinig ng Sandiganbayan sa kasong plunder laban kay Arroyo at kay dating Commission on Audit Region 5 Head Nilda Plaras.

Nilinaw ni SC Spokesman Atty Gleo Guerra na bagaman si Plaras ang nagpetisyun upang maharang ang arrest order ng Sandiganbayan, sakop pa rin ng naturang desisyun si dating Pangulong Gloria Arroyo at iba pang respondent sa kaso.

Binigyan naman ng 10 araw ng SC ang Ombudsman para maghain ng komento sa petition for certiorari ng ilan sa mga respondent sa kaso.

Ang kaso ay may kaugnayan sa iligal na paggamit umano sa inteligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply