Artista, dayuhan bad influence sa di pagpapakasal sa Simbahan

ISINISI ng isang Arsobispo sa values system mula sa mga dayuhang bansa, globalization, movie industry at sa mga artista sa Pilipinas ang hindi pagpapakasal ng mga mag-asawa sa Simbahan.

Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at kasalukuyang Judicial Vicar of the National Appellate Matrimonial Tribunal of the Catholic Bishops Conference of the Philippines na napapanahon ng pag-ibayuhin ng Simbahan ang pagtuturo ng katesismo at new evangelization.

Ayon kay Archbishop Cruz, kailangang kumilos at tugunan ng pamunuan ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang lumabas sa Veritas Truth Survey na 50.2-percent ng mga mag-asawang Filipino ay hindi kasal sa Simbahan.

Ito, aniya, ang katotohanan na dapat maresolba ng pamunuan ng Simbahan dahil wala aniyang mangyayari kung nakamasid lamang sa reyalidad.

Ayon pa sa Arsobispo, dapat lamang unawain ang kasal dahil madali lamang naman ang pagpapakasal.

Dahil sa lumabas ng survey ay umaasa naman ang arsobispo na mauunawaan ng CBCP na dapat talagang bigyang pansin at patatagin ang  “Family and Life” apostolate sa bawat parokya sa bansa.

Dapat umanong pag-ibayuhin ng “family and life apostolate” ang counseling sa mga gustong magpakasal na tinatawag na “pre-cana” sa loob ng isang taon at pagkatapos nito ay bibigyan muli ng post-cana ang ikinasal.

Aminado naman  ang Arsobispo na hamon sa Simbahang Katolika kung paano ipaliwanag sa mga mamamayan kung ano ang kasal at bakit kailangan talagang magpakasal kapag nais nating magkaroon ng pamilya.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na ang mga pari at mga Obispo ay langit, impiyerno at mga anghel ang pinag-uusapan hindi ang social issues sa ibaba na nakakaapekto sa mga mamamayan.

Nilinaw naman ng Arsobispo na dalawa o tatlong kaso lamang ng annulment cases ang natatanggap ng tribunal ngayong taon.

Ang kadalasang, aniyang, dahilan  ng paghahain ng annulment ng mag-asawa ay kakulangan sa kaisipan,may problema sa pagkatao at iba’t-ibang mentalidad o nakagisnang kaugalian ng pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply