ASG na namugot ng ulo, timbog

NAKUWELYUHAN ng awtoridad ang isang sub commander ng Abu Sayyaf Group na may patong sa ulo na pabuyang P3.3 milyon sa Sultan Kudarat.

Ang suspek na si Sali Basal Taib, alyas Gonggong Sali/Abu Husni, ay sangkot sa abduction ng manggagawa ng Golden Harvest coconut plantation sa Lantawan town sa Basilan noon Hunyo 2001. Dalawa sa mangagawa ang iniulat na pinugutan ng ulo.

Ayon sa police intelligence operatives PNP, naaresto si Taib malapit sa Barangay Wal primary school sa Palimbang town ng Task Force Sanglahi.

Mayroon din standing warrant of arrest ang suspek sa kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply