ASG todas sa bakbakan sa Basilan

PATAY ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG), habang dalawa pa ang sugatan sa panibagong bakbakan sa pagitan ng armadong grupo at ng mga sundalo sa Sito Bato, Barangay Mebak, Sumisip, Basilan.

Kinilala ang napatay na si Mahammad Aliman, pinsan ni ASG commander Juhair Aliman, habang ang mga sugatan ay sina Kirum Tampuri at Kuris.

Sa impormasyon mula kay M/Gen Ricardo Rainer Cruz, ang commander ng 1st Infrantry (Tabak) Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng security operation ang tropa ng Special Forces at ng Scout Ranger Company nang makasagupa nila ang grupo ng mga bandido sa naturang lugar.

Kaagad nagpadala ng dagdag na tropa ng mga sundalo sa lugar habang patuloy na tinutugis ang mga nakatakas na bandido.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply