Ashley Nordstrom, makikipagtarayan kay Bea Binene sa soap

MAY bagong makatatapat si Bea Binene sa kanyang bagong soap, ang Cielo de Angelina, bilang kanyang kontrabida. Siya ang commercial model turned actress na si Ashley Nordstrom, 13. Mas bata kay Bea ng isang taon. Si Bea ay 14 lang ngayon.

First soap opera ni Ashley ang Cielo de Angelina. Pero makikipag-love triangle agad siya sa love team nina Bea at Jake Vargas.

Super ganda rin si Ashley tulad ni Bea. Kaya lang, kaibahan nila, mas matangkad siya kay Bea.

Si Ashley ay discovery ng Icons management na-discover kanya sa mga commercials niyang nilabasan tulad ng SM Kids apparel, TV commercial ng KFC commercial at iba pa.

Nang makausap namin si Ashley sa presscon ng Cielo, nasabi niyang bata pa siya ay hilig na niya ang pag-arte. Gusto niyang maging artista. Na-inspire pa siya lalo nang sumikat sa GMA 7 ang mga kasing edad niyang sina Bea at Barbie Forteza.

Kasalukuyan nag-aaral si Ashley sa St. Paul Quezon City. Siya’y second year high school.

Bago siya sumabak sa drama soap, sumailalim siya ng acting workshop under direk Maryo J. delos Reyes. Ang apelyido niyang ginagamit ay sa mother niya, na half Pinay at half German.

Talagang hilig lang ni Ashley ang showbiz kaya pinayagan siya ng parents niya. Sa totoo lang, mula sa may kayang pamilya si Ashley. May sariling business ng sapatos at clothes line ang family niya at taga-Marikina sila. Tatlo lang silang magkakapatid. Napapagitnaan siya. Ang panganay nila’y 16, na kuya niya, at ang bunso ay 2 years old girl.

Kasama si Ashley sa national team ng ice skating kung saan ang huling laban niya ay nakapag-uwi siya ng 6 na medalyang ginto. Mahilig rin siyang sumayaw. Ang pag-awit ay pag-aaralan pa niya.

000

Lovi Poe, Happy  sa success ng Tiktik!
 
TUWANG-TUWA ngayon si Lovi Poe sa success ng Titik: The Aswang Chronicles nang nakausap namin sa backstage ng Studio 7 ng GMA 7 kung saan ang Party Pilipinas ay idinaraos.

In fact, pareho sila ng kanyang kapartner na si Dingdong Dantes na tuwang-tuwa sa success ng movie na Titik dahil naka-more than P10 million ang total gross ng first day of showing. Talagang nilampaso sa takilya ang mga kasabay na local at foreign movies.

Di malilimutan ito ni Lovi nang makausap namin dahil first time silang nag-team up ni Dingdong sa pelikula. Bukod pa rito, kahit isang beses lang ang kissing scenes nila, super haba naman. Di raw niya matandaan kung ilang minuto tumagal ang laplapan nilang ito ni Dingdong.

Anyway, naka-focus na ngayon si Lovi sa bagong soap opera niya GMA 7 na siya ang title role. First time siya binigyan ng ganitong kalaking project ng network, ang Yesterday’s Wife.

Ang movie ay original story pero hindi maaalis na nagkaroon ng inspiration ang sumulat ng istorya sa pangyayaring may isang bride na naaksidente habang papunta ng simbahan. Nag-comatose ang bride na kasalukuyang three months pregnant.

Eh, anim na buwan na coma ang babae. Kaya nagising siyang nakapanganak na.

Simula ang Yesterday’s Wife sa  October 29, pagkatapos ng Eat Bulaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply