Aso na si Kabang biyaheng-America para magpaopera

LILIPAD patungong United States of America ang bayaning aso na si Kabang na ang kalahating bahagi ng mukha ay nawasak dahil sa pagsagip sa dalawang kabataan na masasagasaan sana ng traysikel sa Zamboanga City.

Ang bayaning aso, ay aalis ng bansa patungong Los Angeles, California mamayang alas-11:00 ng gabi sakay sa Philippine Airlines flight PR-102.

Sasamahan siya ng veterinarian na si Dr. Anton Mari Lim para sa kanyang “maxillofacial reconstructive surgery” na ikakasa sa University of California Davis Veterinary Medical Teaching Hospital.

Sinabi ni Lim na marami rito sa Pilipinas at sa ibang bansa ang naawa sa istorya ni Kabang. Kabahagi sila sa $20,000 na kinakailangan sa operasyon ng bayaning aso.

Inaasahan naman na bibigyan ng Animal rights groups tulad ng Animal Welfare Coalition, Network for Animals at Animal House ng send off party sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 si Kabang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply