Ate hinalay ng utol sa Las Piñas City

MISMONG ang nakabatatang kapatid ang lumuray sa pagkababae ng isang dalaga sa loob mismo ng kanilang bahay sa Las Pinas City.

Hinihinalang lulong sa ipinagbabawal na gamot ang suspek na itinago sa pangalang “Rico Jay”, 18, estudyante, ng Pido Pedros, BF Resort Village ng nabatid na lungsod nang maaresto ng mga awtoridad makaraang ireklamo ito ng kanyang nakatatandang kapatid na itinago sa pangalang “Joy”.

Batay sa ulat na natanggap ni S/Supt. Romulo Sapitula, Chief of police ng Las Pinas, unang naganap ang pangagahasa sa biktima nitong Setyembre 11 sa loob ng kanilang bahay. Sinabi ng biktima na tinutukan umano siya ng patalim ng nakakabatang kapatid at saka niluray. Natakot naman siyang ipagtapat ito sa mga magulang dahil sa banta ng kapatid at dahil sa kahihiyan.

Ngunit muling naulit ang panggagahasa dakong alas-5:00 kaninang madaling araw nang muli siyang gapangin ng kapatid sa kanyang kuwarto.

Masuwerteng nagising ang ina ng magkapatid at nasaksihan ang panghahalay ng anak na lalaki sa ate nito dahilan para itawag sa pulisya.

Nabatid na nanlaban pa umano sa mga pulis ang suspek bago ito tuluyang naawat at madala sa istasyon ng pulisya.

Mismong ang ina pa ng biktima ang humiling na isailalim ang suspek sa drug test dahil sa hinalang gumon ito sa iligal na droga kaya nagawa ang panggagahasa sa sariling ate.

Nahaharap sa kasong “incestuous rape at direct assault” ang suspek na kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng nasabing presinto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply