Atty. Leni Robredo naghain na ng CoC

NAGHAIN na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Elections (Comelec-Camarines Sur) ang grupo ni Atty. Leni Robredo makaraang makumbinsing tumakbo sa pagka-kongresista.

Nabatid na matapos humingi ng kaunting oras para makapag-isip kaugnay sa posibleng pagkandidato bilang kongresista sa ikatlong distrito ng Camarines Sur, buo ang pwersa ng Liberal Party (LP) at mga supporters na nagtungo sa Comelec.

Kasama ni Atty. Leni ang bunsong si Jillian na sinundo pa sa kanyang paaralan.

Matatandaang  ilang ulit na tinanggihan ni Atty. Leni ang alok na pumasok sa politika dahil mas target nito ang maging huwes sa nasabing lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply