Aussie scientist, natagpuang patay na hubo’t hubad

HUBO’T hubad at malamig na bangkay na nang matagpuan isang Australian national scientist ng kanyang caregiver kagabi sa loob ng inuupahang condominium sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktima na si Borris Anticevich, 84, scientist/inventor, tubong Sydney Australia at nanunuluyan sa 1096 19th floor , Sunview Palace Condominium, M.H del Pilar T. M. Kalaw Sts. Ermita, Maynila.

Sa report ni PO3 Rodel benitez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 10:45 kagabi nang madiskubre ni Angeline Baylosis, caregiver, ang kanyang amo na hubo’t hubad na nakahiga sa sahig malapit sa kanyang kama sa loob ng inuupahang kuwarto sa condominium.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang umano ni Baylosis mula sa probinsya dahil sa ilang dokumento na kanyang inasikaso .

Isang Lovely Ann Balisi umano ang pansamantalang pumalit kay Baylosis na mag-aaruga sa biktima habang nasa bakasyon ang huli kung saan pinahintulutan naman ng biktima.

Nang pabalik na ng Maynila si Baylosis ay umalis na rin si Balisi isang araw bago namatay ang biktima.

Laking gulat na lamang ng caregiver nang datnan ang kanyang amo na walang saplot at malamig ng bangkay na nakahiga sa sahig ng kanyang kuwarto.

Agad namang ipinagbigay alam ni Baylosis sa hotel security na siya namang nagreport sa pulisya .

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima habang ipinagbigay alam na rin sa embahada ng Australia ang sinapit nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply