Australian winakwak ang leeg sa Benguet

KANINANG umaga lamang nadiskubre ang bangkay ng isang Australian national sa loob ng bahay nito sa Benguet province na wakwak na ang leeg.

Ang naaaganas na bangkay ng biktimang si Joseph Allan Adams, tinatayang 43-45-anyos ay natagpuan dakong alas 7:30 ng umaga sa loob mismo ng bahay nito sa Alpa village, Tuding, Itogon.

Halos humiwalay sa katawan ang ulo ng biktima sanhi ng malalim na hiwa sa kanyang leeg na at pinaniniwalaan na ang pagpatay sa kanya ay ikinasa nito lamang nakaraang Linggo.

Nadiskubre ang krimen ng isang nagngangalang Jose Pallay, bumisita sa bahay ng biktima para kolektahin ang kanyang suweldo bilang hardinero.

Ayon kay Pallay, ang gate at ang pintuan sa bahay ni  Adams ay nakabukas.

Nang kanyang silipin, nakita niya ang biktima na naliligo sa sariling dugo at nakahandusay sa sofa.

Ipinagbigay niya agad sa awtoridad ang natuklasan para sa kaukulang disposisyon.

Isa sa tinitingnan na anggulo ng pulisya ay ang pagnanakaw pero hinihintay pa nila ang resulta ng ikinakasang  imbentaryo sa mga ari-arian ng biktima bago nila kumpirmahin ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply