Automated counting system ng Comelec, hack-proof

PINAWI ng Commission on Elections (Comelec) ang pangamba ng publiko na mabibiktima ng hackers ang automated counting system ng poll body para sa halalan dahil hack-proof umano ang kanilang computer system.

Ang pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez ay kasunod nang panibagong pag-atake ng hackers sa ilang government websites sa bansa bilang protesta sa pagpapatupad ng pamahalaan sa Anti-Cybercrime Law.

Ayon kay Jimenez, malayo ang posibilidad na ma-hack ang kanilang sistema.

Paliwanag nito, ‘secure’ ang kanilang automated counting system at hindi lamang nakaasa sa internet.

“Malayo ang posibilidad na ‘yan kasi iba ang ginagamit natin. Hindi tayo pangkaraniwang website. Ang ating sistema hindi nakasampa sa Internet,” paliwanag pa ni Jimenez.

Nauna rito, nitong Linggo ng gabi ay muling umatake ang

hacker group na Anonymous Philippines at na-deface ang ilang government websites, na kinabibilangan ng National Telecommunications Commission, at ilang local government agencies.

Kalimitang kapag binuksan ang website na na-hacked ay nire-redirect ang visitor nito sa defaced website.

Ang pag-atake ay nabatid na ginagawa ng mga hackers bilang protesta sa Anti-Cybercrime Law, na banta anila sa freedom of speech.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply