AUV gang pumatay sa bodyguard ni De Lima

MAY posibilidad umano na mga miyembro ng “AUV Tirador Gang” na nadakip ng mga tauhan ng Paranaque Police ang may kagagawan sa pamamaslang sa close-in security ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ito’y makaraang matagpuan kamakalawa ng mga tauhan ni Paranaque Police chief Sr. Supt. Billy Beltran ang Mitsubishi Adventure na may plakang TXO-215 sa Barangay San Antonio sa naturang lungsod na umano’y sinakyan ng 32-anyos na biktimang si Alister Quintos bago natagpuan ang kanyang bangkay sa San Ildefonso, Bulacan noong Mayo 11 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina, nagsanib pwersa ang pulisya at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matiyak na malulutas kaagad ang kaso ng pamamaslang kay Quintos.

Kinuha na rin ng forensic expert ng NBI ang nakitang bahid ng dugo sa nabawing AUV upang isailalim sa blood analysis kung tutugma kay Quintos pati na basyo ng bala na posibleng ginamit ng mga salarin.

Sa teorya ni Espina, sumakay si Quintos sa naturang AUV patungong Bulacan mula sa Antipolo City hanggang sa mag-anunsiyo na ng holdap ang mga suspect. Posible umanong nakita ng mga suspect ang baril ni Quintos bilang organic member ng Internal Service Operations Group (ISOG) ng DoJ kaya’t inunahan na siyang paslangin.

Magugunita na una ng nadakip ng mga tauhan ng Paranaque police ang 10-miyembro ng “AUV Tirador Gang” sa tatlong sunod-sunod na araw na operasyon na nagsimula noong Sabado ng gabi sa mga lugar sa Paranaque, Quezon City at Antipolo City.

Umabot na sa 11 ang mga biktima na positibong kumilala sa mga suspect na nagkukunwaring pumapasada subalit hinoholdap ang kanilang mga pasahero, pinagwi-withdraw pa sa ATM at minomolestiya ang mga babaing nabibiktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply