Ayaw magpa-double sa pelikula: LJ Reyes, nagkasugat-sugat ang braso’t binti

GINAMIT ni LJ Reyes ang pagiging athletic niya sa stunts ng latest horror-fantasy na tampok sina Dingdong Dantes at Lovi Poe, ang “Tiktik: The Aswang Chronicles”, kung saan si LJ naman ang pangunahing kontrabida na lumabas bilang aswang na lumilipad para madagit ang kanyang biktimang buntis. Sa paglipad ni LJ, kinailangan siyang gamitan ng harness para madagit niya kanyang biktima.

First choice agad ang mama ni Paulo Avelino para maging kontrabida sa Tiktik ni Direk Erik Matti. Pagpunta niya sa story conference, pinabasa agad sa kanya ang mga lines. Tapos, pinapili siya sa dalawang kontrabida roles. Mas pinili ni LJ ang aswang role na pangunahing villain ng movie.

Ayon kay LJ, na-challenge siya sa gagawin niya sa movie kaya niya tinanggap agad ang role na aswang. Aba! first time siyang buong ningning na magha-harness na parang lumilipad. Pero may nakaabang namang stunt woman in case na hindi niya magawa. Pero talagang pinilit ni LJ na gampanan lahat ito. Nagkasugat-sugat nga lang ang kanyang katawan, na hindi naman niya ininda. Katwiran niya, artista siya at dapat gawin ang nararapat sa ikagaganda ng role.

Ibang-iba ang role ni LJ sa kasalukyang role niya sa GMA 7 soap na “Aso ni San Roque”. Bale may pagka-aswang rin ang role niya sa soap. Kaya lang, siya ang mabait na aswang. Kumbaga hindi na niya ginagawa ang gawain ng aswang. Galing lang siya sa pamilya ng aswang na nakapag-asawa ng isang tunay na tao sa katauhan ni TJ Trinidad.

Ani LJ: “At least naipakita ko sa mga manonood sa movie at telebisyon na versatile actress ako pagdating sa mga roles na gagampanan ko. Puwede akong mabait at salbahe.”

000

Vic Sotto, umiiwas pa ring pag-usapan si Pauleen Luna sa presscon ng The Million Peso Drop
 
NAGSALITA agad si Vic Sotto na kapag ang personal na buhay niya ang tatanungin ng press sa presscon ng The Million Peso Drop ng TV5 ay hindi niya sasagutin kaya kahit anong pasaring ng press tungkol sa status ng relasyon nila ni Pauleen Luna ay ‘di nagsalita kahit katiting si Bossing Vic. Deadma lang as in ang magaling na TV host at comedian na lumalabas regularly sa programa ng GMA 7 na Eat Bulaga tuwing tanghali.

Bagkus, mas pinagtuunan ni Boss Vic na questions ay hinggil sa bagong programa niya sa TV5, ang The Million Peso Drop. Ang bagong programang ito ang kinagigiliwan ngayon dahil may 40 franchises na sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagpapalabas nito. Sa record ng show, dalawang bansa pa lang ang may record na ang contestant ay nakapag-uwi ng biggest jackpot ng programa, ang Germany at Argentina. Ibig sabihin ay milyones ang halagang naiuwi ng mapalad na contestants.

Sabi ni Vic, exciting at nakate-tense ang The Million Peso Drop dahil sa unang sabak pa lang ng contestant ay  aabutan agad siya ng P1 million cash.

Pero hindi niya agad ito maiuuwi. Paghihirapan niya ito sa walong katanungan na kapag nasagot niyang lahat ay mauuwi niya ang jackpot cash na P1 million.

Dugtong pa ni Boss Vic, madali ang katanungan na 1 to 5, bale ito ang easy money. Nasa sa iyo na ito kung gaanong cash ang ihahatag mo sa bawat katanungan na ibibigay sa iyo. Madali lang dahil choose na best answer lahat. Kaya lang nasasaiyo na ang pipiliing sagot, pero wala pa ang katanungan. Kaya nakaka-tense ito sa pair contestants na kadalasan ay mag-asawa, magkapatid, o mag-best friend.

Naikuwento ni Vic na may dalawang money girls siyang kasama pero hindi roon kasama si Pauleen na inaasahan ng marami na isasama ni Vic sa  kanyang show. Ang TV5 ang pumili sa dalawang sexy  girls na kasama ng host na si Vic.

Sa pilot episode ng The Million Peso Drop na mapanonood today, Oct. 14, Sunday, 8:30pm, ay tampok ang magkapatid na Epi at Eric Quizon. ‘Di na ini-reveal ni Vic kung magkano ang naiuwi ng dalawang anak ni Dolphy. Basta, masayang contestants ang magkapatid. Pero nasabi ni host na may contestant silang bokya. Ibig sabihin ay naubos ang kanilang P1 million na hindi man lang tumama ang sagot sa bawat tanong na inilatag sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply