Azkals umakyat sa FIFA rankings

UMANGAT ang Team Azkals sa rankings ng FIFA.

Mula sa 150 puwesto nitong nakaraang buwan at kamakalawa ay umakyat ang Azkals sa 147, pinakamataas na rankings sa kasaysayan ang mga Pinoy booter.

Malaki ang naitulong ng pagtaas ng kanilang ranggo nang makopo nila ng titulo sa nakaraang Philippine Football Peace Cup.

Kkahit wala ang magkapatid na Phil at james Younghusband ay nawalis nila ang Guam (1-0), Macau (5-0) at Chinese-Taipei (3-1).

Nalagpasan ng Azkals ang dating pinakamagandang ranking na 148th noong Abril nang pumangatlo ito sa Asian Football Confederation Challenge Cup sa Nepal noong Marso.

Ang dating may hawak ng puwesto ng Azkals ngayon ay ang Moldova na bumaba ng apat na baitang.

Samantala, pagdating sa Southeast Asian region ay nasa ikatlong puwesto ang Azkals sa likuran ng mga makakatunggali sa Group Stage ng AFF Suzuki Cup na Thailand (139th) at Vietnam (140th).

Ngayong buwan ay makakasipa na ang magkapatid na Younghusband dahil kasama na sila sa listahan ng mga player na ipapadala sa Bahrain at Kuwait bilang paghahanda para sa Suzuki Cup.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply