B-day boy sinaksak ng amang lango sa alak, sugatan

SA ospital nagdiwang ng kaarawan ang isang 27-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng kanyang sariling tatay na lango sa alak sa Zamboanga City nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 12.

Isinugod sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) sanhi ng isang saksak sa katawan ang biktimang si Angelo Parangan, 27-anyos.

Nahuli naman agad at ngayon ay nakaditine na sa Zamboanga PNP ang suspect na si Perperio, 63-anyos.

Hindi pa malaman kung sasampahan ito ng kaukulang kaso dahil hinihintay pa ang desisyon ng biktima hinggil dito.

Naganap ang insidente dakong alas 11:30 nitong nakaraang Biyernes sa bahay ng mag-ama.

Bago ito, nag-iinuman ang biktima na sinasalubong ang kanyang kaarawan at ang kanyang tatay kasama ang iba pang mga kamag-anak nang sa kalagitnaan ng kasiyahan ay biglang nagtalo ang mag-ama na kapwa lango na sa alak.

Sa gitna ng pagtatalo, sinaksak ng suspect ang biktima na bagama’t sugatan ay nakatakbo para mailayo ang sarili sa tiyak na kapahamakan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply