Babaeng NPA utas sa bakbakan sa Negros Occ

PATAY ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa remote village sa Negros Occidental, kaninang umaga.

Batay sa inisyal na report na nakarating sa Camp Aguinaldo, dakong 5:30 ng umaga nang magsimula ang bakbakan ng 47th Infantry Batallion at ng mga miyembro ng NPA sa Barangay East, Candoni, ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Major Enrico Gil Illeto, information officer ng 3rd Infantry Division (ID), napatay ang isang babaeng NPA habang wala namang namatay sa panig ng pamahalaan.

Narekober sa lugar ang ilang dokumento, backpack at iba pang gamit ng mga tumakas na rebelde.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply