Bading noon, lalake na ngayon! (Shocking!)

PWEDE pala talagang magbago ang mga bading, maging lalake na talaga sila sa sexual preference nila kahit na may pagka-effeminate pa rin nang konti ang kilos nila.

Ang isang proof nu’n ay ang hairdresser of the stars na si Jessie Mendez. Si Jessie ang hair dresser nina Vicky Morales, Mel Tiangco, Cory Quirino, Janine Gutierrez, Aurora Pijuan, at marami pang ibang mga babaeng sikat at mayaman. May 40 years na si Jessie sa pagiging hair stylist at kabilang sa mga inaayusan n’ya noon ay ang beauty icons na sina Chona Recto Kasten, Elvira Manahan, at Priscilla Sison (ina ng pamosong spiritual guru na si George Sison).

Homosexual si Jessie nung magsimula siyang maging hairdresser. But about 30 years ago, pinakasalan n’ya ang isang lesbyana dahil natagpuan n’ya sa nasabing tomboy ang mga katangiang hinahanap n’ya sa isang lalake.

Pero ginawa n’yang babae ang lesbyana–at nagkaanak sila ng dalawang babae. Dalawang babae na babaeng-babae, walang bahid ng pagkalesbyana.

Dalawang anak na alam ang “lihim” ng mga magulang nila. May asawa’t anak na yung panganay, dalaga pa yung pangalawa.

Mga tatlo o apat na taon ang nakararaan, naghiwalay sina Jessie at ang misis n’ya. Bumalik ang misis n’ya sa pagiging lesbian at matagal-tagal na ring may live-in girlfriend. Si Jessie, tuluy-tuloy pa rin sa pagiging lalake. Nakadalawang girlfriend na nga siya mula nung maghiwalay sila. Ka-live-in rin ni Jessie ang girlfriend n’ya.

Hindi magkaaway si Jessie at ang dati n’yang misis. Umabot na sa 14 ang Jessie Mendez Salon sa bansa at ang isa ru’n ay pag-aari actually ng ex-wife ni Jessie. Once-a-week, binibisita ni Jessie ang salon na pag-aari ng kanyang ex-wife. Kaibigan kasi niya ang live-in girlfriend nito at kaibigan rin naman ng ex-wife ni Jessie ang current girlfriend nito.

Nagdiwang ng birthday n’ya kamakailan si Jessie sa sosyal na Italian restauraunt na Casa Nostra sa Pasong Tamo Avenue Extension sa Makati–at nasaksihan nga naming magkasama sa isang lamesa ang live-in girlfriend nito, kanyang ex-wife at ang live-in girlfriend nito, pati na ang dalawang anak nila ng ex-wife.

Masaya naman silang nag-iinuman ng red wine at nagtatawanan. No tension at all.

Nasa birthday bash rin nga pala na yon sina Vicky Morales at Mel Tiangco, pati na si Amelyn Veloso, Jean Saburit at ang pagkaganda-ganda n’yang anak na babae, pati na ang dati ring aktres na si Azenith Briones. Sina Bo Cerrudo at Dulce ang naging pangunahing entertainers nung gabing yon. Grabe sa husay si Dulce sa mga solo num- bers n’ya. Every other song, binibigyan siya ng standing ovation ng mga guests sa party na halos 60 ang bilang.

Huwag n’yong hamunin ng inuman ng red wine si Jessie dahil malamang na tumaob kayo. Masaya siyang kainuman dahil matindi ang sense of humor n’ya. At home na at home pa rin siya sa gay language kahit hindi na nga siya bading, madalalas, kasama n’ya ang girlfriend n’ya sa tunggaan ng red wine, pati na ang best friend n’yang fashion designer na si Justin Mendoza.

May Jessie Mendez Salon sa Evangelista, Makati; sa Cash & Carry Mall sa Makati pa rin; sa Promenade Mall sa Greenhills; sa kanto ng Morato Avenue at E. Rodriguez sa Quezon City, at somewhere in Katipunan Avenue, QC.

Paki-check n’yo na lang sa Google yung location ng iba pa niyang salon. Pwedeng si Jessie mismo ang maggupit at mag-make up sa inyo pero kailangang makipag-appointment kayo. Nakukuha pa rin siya para mag-make up ng wedding entourage at kung anu-ano pang sosyal na event.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply