Bago ang Hong Kong vacation: Zsa Zsa dadalaw sa puntod ni Pidol

SA Oktubre 30 pa lang ay dadalaw na ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla sa puntod na kanyang yumaong “Lovey” na si Comedy King Dolphy sa The Heritage Park sa Taguig City.

Sa bisperas ng All Soul’s Day ay flysung na si Zsazhing sa Hong Kong para magbakasyon kasama ang Queen of All Media at presidential sister na si Kris Aquino.

Sa ulat sa radyo kagabi, sinabi na nahirapan si Zsa Zsa na tanggihan ang imbitasyon ni Kristeta na magbakasyon sa HK dahil paboritong lugar nila ito ni Pidol.

Sinabi pa sa ulat na sad pa rin ang singer-actress sa tuwing maaalala na namayapa na ang kanyang Lovey.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply