Bagong boy band, kayang maghubad sa entablado!

TRUE ba ang kumakalat na tsismis na sinabotahe diumano ni Cristine Reyes si Joross Gamboa na makasama sa serye nila ni Gerald Anderson na ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’? Nagawa nga ba ni Cristine na magpatanggal ng tao para lang mabigyan ng project ang boyfriend niyang si Rayver Cruz? Totoo ba na umastang nagreyna-reynahan si Cristine at pinabigyan naman ang kapritso niya?

Ito ang mga katanungan na dapat ipaliwanag ni Cristine at sagutin dahil kalat na kalat na ang dialogue niyang hindi pa raw siya ready na makatrabaho ulit si Joross?

Matagal nang na-link si Cristine kay Joross. Panahon pa ‘yun ni Mahoma at nasa Kapuso network pa siya. Hanggang ngayon ba naman ay hindi siya maka-move-on?

At paanong hindi pa siya ready na makatrabaho ang Best Supporting Actor ng Cinemalaya samantalang nagkasama na sila sa seryeng “Eva Fonda” ng ABS-CBN 2?

Ayon sa aming source, nalungkot si Joross sa pagkakatsugi niya sa naturang serye pero hinayaan na lang niya dahil kaibigan rin naman niya si Rayver. Maluwag niyang tinanggap na baka hindi talaga para sa kanya ang naturang project kahit nakaplano na at nagpa-press release na rin ang manager niyang si Noel Ferrer na may pagsasamahang proyekto sina Gerald at Joross.

Sayang lang na naudlot ang pagsasama ng dalawa sa isang serye lalo’t malalim na ang samahan nila. Si Joross ang naka-discover nu’ng araw sa gwapong actor at naging back-up dancer pa niya.

Anyway, may bagong horror film na pagbibidahan si Joross. Ito ‘yung “Bangungot”. Kasama rin siya sa pelikulang Suddenly It’s Magic’.

Tsuk!

-0o0

MAGKAIBIGAN na talaga ngayon sina Willie Revillame at Joey de Leon. Sa birthday celebration ni Joey sa Startalk n’ung Sabado ay may surprise visit si Willie na labis na ikinagulat at ikinatuwa ng una. At take note, niregaluhan pa ni Wil ng gold Rolex watch si Joey. Nakatutuwa silang panoorin dahil walang humpay ang purihan nang purihan sila sa ere. Nabura na talaga ang mga patutsadahan nila nu’ng araw at nabaon na sa limot.

Ganyan naman talaga makipagkaibigan si Wil. Ibang klase siyang magmahal at magtiwala sa kaibigan. Dadamayan ka niya sa anumang aspeto basta’t kaya niya. Napatunayan na niya ito kina Aga Muhlach, Senator Manny Villar at  sa yumaong Comedy King na si Mang Dolphy.

Samantala, anniversary month ngayon ng ‘Wil Time Big Time’ sa TV5 dahil dalawang taon na siya. Parang Pasko ang ambiance sa studio dahil milyun-milyon ang ipinamamahagi ni Willie. Namimigay rin sila ng house and lot.

Nasampolan ang dating Ms. Little Philippines na si Carissa Cylene del Rosario na siyang unang nag-win ng mega jackpot sa Wil Time Bigtime. Bukod sa bahay at lupa ng Camella Homes, P1 million cash at isang Foton Van ang napanalunan niya.

Hanggang sa katapusan ng Oktubre ang matitinding premyo at selebrasyon ng Wil Time Big time.

Tsuk!

-0o0-

NAPAKA-SEXY at yummy ng VFORT bagong boy band ng Viva Records. Napanood namin ang kanilang concert nu’ng sa MOA Centerstage. Very promising ang grupong ito. Nakilala sila bilang front act ng international artists na nag-concert sa atin gaya ng Vertical Horizon, New Kids On The Block, Backstreet Boys at si David Cook.

Mapangahas ang VFORT  dahil kaya rin nilang maghubad sa entablado. Buong ningning na ipinakita ang kanilang nude pictorial na artistic ang dating. Tawanan pa ang mga audience dahil may babaeng sumigaw ng ‘sarap’.

Sila pala ang  may kanta ng ‘Prinsesa’ na madalas naming marinig ngayon sa radyo. Ito ay napapaloob sa kanilang album na VFORT: The Love Band Project.

Ang grupo ay binubuo nina Kerwin Caballero, Toff Guela at Visam Arenas.

Malapit na ring mapakinggan ang kanilang second single na Just Like A Pill.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply