Bagong Christmas station ID ng ABS-CBN mapanonood na mamayang gabi

TAUN-TAON tuwing sasapit ang Christmas season ay inilulunsad ng ABS-CBN ang kanilang Christmas station ID.

Bawat station ID ng Kapamilya network ay nagmamarka sa mga Filipino lalo na sa mga bata dahil sa magandang himig at lyrics nito. Maging ang music viedo ay pasok sa panlasa ng mga Pinoy dahil nagpapakita ito ng tradisyon ng mga Pinoy tuwing Pasko hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa mga naninirahan sa ibang bansa.

Ngayong taon, muling lumikha ng Christmas station ID ang Kapamilya network kung saan magsasama-sama naman ang kanilang mga artista/talents.

Ang “Kwento ng Pasko” (Christmas song ng station ID) ay kinompose ni Marcus Davis Jr., habang ang lyrics ay isinulat ni Robert Labayen.

Kinanta ito ng mga Kapamilya singers na binubuo nina Angeline Quinto, Bamboo, Martin Nievera, Christian Bautista, Erik Santos, Yeng Constantino, Jed Madela, Billy Crawford, Aiza Seguerra, Piolo Pascual, Sitti, Juris Fernandez, Richard Poon, Princess Velasco, Marcelito Pomoy, KZ Tandingan (first X-Factor grand winner), Jovit Baldivino, Bugoy Drilon, Daniel Padilla, Sarah Geronimo, Kean Cipriano, Nyoy Volante, Vina Morales, Zsa Zsa Padilla at ilang sikat na child star ng istasyon gaya ni Xyriel Manabat.

Mamayang gabi ay makikita na ang kabuuan ng video ng Christmas Station ID, pagkatapos ng TV Patrol.

Kung gusto namang makita ang recording ng naturang kanta ay hanapin lamang ito sa Google.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply