Bagong DoE sec ihahayag sa tamang panahon

SA TAMANG panahon ay iaanunsyo ni Pangulong Benigno Aquino III ang rigodon sa kanyang gabinete.

Inamin ng Chief Executive na magsasagawa siya ng minor revamp sa kanyang gabinete subalit sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon.

Nauna rito, isinapubliko ni Palo, Leyte Mayor Remedios Petilla na ang kanyang anak na si Gov. Jericho “Icot” Petilla ang napipisil ni Pangulong Aquino na ipalit kay Sec. Rene Almendras na ililipat naman sa Presidential Management Staff (PMS).

Agad namang pinabulaanan ito ni Petilla sa publiko at sa Malakanyang.

“There is no truth that I have confirmed my appointment by the President as DoE secretary. I have not received any document or instruction regarding that position and I remain as governor of the Province of Leyte,” ayon kay Petilla batay sa ipinadalang mensahe nito sa Malakanyang.

Tiniyak naman ni Budget Sec. Florencio Abad ang nakatakdang paghirang ng Pangulong Benigno Aquino III kay Leyte Gov. Jericho “Icot” Petilla bilang bagong susunod na kalihim ng Department of Enegry (DoE) kapalit ni Secretary Jose Almendras.

Sa kabila ng ayaw magbigay ng karagdagang detalye ay sinabi ng kalihim na asahan na ang “formal announcement” sa darating na mga araw hinggil sa minor revamp sa Gabinete.

Samantala, hindi pa malinaw kung sa Presidential Management Staff  na ang tapon ni Sec. Almendras, bilang kapalit ni Julia Abad, ang anak ng budget secretary.

Matatandaang nagpahayag si Julia Abad na gusto na niyang bumalik sa private sector.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply