Bagong format ng license plates, inilatag ng LTO

PLANO ng Land Transportation Office (LTO) na gumawa ng bagong license plates para sa behikulo na ibibigay sa mga bagong sasakyan sa 2013.

Kasama rin sa plano ang pagkakasa ng standardize sa disensyo ng license plate sa lahat ng motor vehicles sa bansa.

Simula pa noong 1981, ang license plates para sa mga sasakyan ay may 9 na disenyo. Sa pamamagitan ng kanilang standardization program,ang adhikain ng LTO ay mabawasan ang bilang ng fake license plates.

Ang bagong disenyo ay maroon bagong font at bar code, na naglalaman ng impormasyon sa mag-ari ng sasakyan.

Malalaman din ng awtoridad  ang lugar kung saan inirehistro ang mga bagong license plates.

Mayroon din itong features na one-way screw na kapag tinungkab ang license plate, ay masisira na at hindi na magagamit pa.

Sa 2013, ang bagong biling sasakyan ay magkakaroon ng plaka na may apat na numero.

Samantala, ang license plates para sa pampublikong saskayan ay may nakalagay na ruta ng behikulo para malutas na ang problema sa “colorum”.

May bago rin na plaka ang mga motorsiklo na may malaki ngayon ay dapat ilagay sa  harapan at likod ng motorcycles. Ang bagong plaka ay may limang numeric digits na dating apat lamang.

Magkakasa ang LTO ng public bidding para sa bagong license plates.  Planong ipatupad ang proyekto sa Enero 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply