Bagong kapamilya, itinalaga ni PNoy sa gobyerno

PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang Ambassador sa Union of Myanmar si Alex G. Chua.

Si Chua ay awtomatikong magiging Chief of Mission II, kasalukuyang charge de’ affaires ng Pilipinas sa China.

Bukod kay Chua ay itinalaga rin ni Pangulong Aquino si Domingo Lucenario bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Pakistan at concurrent jurisdiction sa Afghanistan, Kyrgyz Republic, Kazakhstan at Tajikistan.

Itinalaga rin ng Pangulo si Sahid Glang bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Kingdom of Bahrain.

Kasama rin sa appointees si Ricardo Endaya bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Iran at concurrent jurisdiction sa Republic of Turkmenistan at Uzbekistan.

Sa ilalim ng Department of Trade and Industry ay iniupo naman ni Pangulong Aquino bilang mga miyembro  ng Board of Directors ng Philippine International Trading Corporation sina  Maria Lourdes F. Rubueno, Bienvenido S. Bautista, Maria Lourdes T. Baua, at Aurora Maria F. Timbol.

Habang sa ilaim naman ng Department of Energy (DoE) ay iniupo bilang miyembro ng Board of Directors ng PNOC Shipping and Transport Corporation si Maria Gladys C. Santa Rita.

Ang term of office ni Santa Rita ay  nagsimula noong July 1, 2012 at magtatapos sa July 30, 2013,

Sa ilalim naman ng Department of Finance ay itinalaga  bilang miyembro ng Board of Administrators representing Visayas Cooperative Development Authority si Mercedes D. Castillo.  Ang kanyang termino ay magtatapos sa Hulyo 30, 2018,

Samantala, sa ilalim naman ng Department of Environment and Natural Resources ay itinalaga si Rommel R. Abesamis bilang Assistant Secretary for Foreign Assisted and Special Projects,

At sa ilalim naman ng Department of Justice ay itinalaga si Atty. Marcelo C. Oñate bilang Prosecutor IV o City Prosecutor ng Ormoc City  at bilang Provincial Prosecutor ng Bulacan, si Atty. Renato C. Samonte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply