Bagong krisis sa Mindanao, ibinabala ni Misuari

SANA ay hindi kami sisihin sakaling magkaroon ng giyera sa Mindanao.” Ito ang tahasang sinabi ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari bilang banta sa pagsusulong ng Bangsamoro political entity.

Ipinagyabang ni Misuari na 6,500 members ng Bangsamoro Islamic army ang nagtungo sa kanya upang tiyakin ang pagtulong sa kanya maliban pa sa 5,000 na nagpasyang magbalik-loob sa mother organization na MNLF.

Sinabi ni Misuari na nakakatakot ang mangyayari sa Mindanao kung itutuloy ang sinasabing framework agreement na umano’y pagsasamantala sa innocence ng mga Muslim.

Binigyang diin pa ni Misuari na hindi dapat papurihan ang nabuong Framework Agreement dahil hindi ito para sa kabutihan ng mga Muslim kundi ito ay magreresulta sa bagong krisis sa Mindanao region.

Aminado naman si Misuari na mayroon silang armas pero konti lang at karamihan sa kanila ay walang armas dahil tinatawag nila ang kanilang sarili na mga protector of peace sa sacred homeland sa Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply