Bagong license plates

PLANONG baguhin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga license plate o plaka ng mga sasakyan pagpasok ng 2013. Ito ay magkakaroon ng mga security features tulad ng bar code para ‘pag dumaan sa scanner o “baril” ng awtoridad ay agad makikita kung tama nga ang uri at iba pang detalye ng isang sasakyan. Sa bagong disenyo ng plaka ay ilalagay na rin sa ilalim ng numero kung saang rehiyon ito nirehistro. NCR, Region 1, etc. Sa mga sasakyang pribado ay magiging apat na ang numero ng plaka at sa mga motorsiklo naman ay magiging lima ang numero at magiging dalawa na ang plaka nila, isa sa likod at ngayon, may isa na rin sa harap.

Sa mga pampublikong sasakyan tulad ng mga bus sa EDSA ay ilalagay rin sa plaka kung saan ang byahe o ruta ng isang Public Utility Vehicle (PUV). Ang isa pang security feature ng bagong plaka ay ang one way screw. Kapag sinubukang tanggalin ang one way screw ay agad masisira ang plaka. Ito ay para maiwasan ang pagpapalit o paglipat ng mga plaka na pangkaraniwan ng ginagawa ng masasamang loob.

Pero teka. Bagong proyekto, bagong bidding diba. Kaching!

*****

NAKABALIK na sa bansa ang French carmaker na Peugeot sa pamamagitan ng Eurobrands Distributor Incorporated (Edi). Sa mga nakalimot na, ang Peugeot ay unang dumating sa bansa taong 2003 ngunit hindi ito nagtagal dahil sa mababang benta. Ngayon, sa pangunguna ng pangulo ng Edi na si master salesman Felix J. Mabilog Jr. ay mukhang may magandang hinaharap ang tanyag na sasakyan dito sa Pilipinas. Si Mabilog ang responsable sa tagumpay na tinamasa dito sa Pilipinas ng Volkswagen, Mitsubishi, at ang pinakahuli ang Kia brand kung saan siya ang dating pangulo ng Columbian Autocar Corporation (KIA Phils.) Dalawang magkasunod na araw ay nakasama ko si Mabilog at ang kanyang Marketing & Communications Director na si Dong Magsajo, ang aking dating kasamahan sa trabaho. Si Dong ang dating motoring editor ng Philippine Star.

Martes, sa Sofitel Philippine Plaza ay nagsagawa ng press conference ang Edi kasama ang ilang bisita mula sa Peugeot headquarters sa bansang Pransiya. Dito ay ipinakita ni Mabilog ang kanyang kumpiyansa at tiwala sa kanyang produkto. Hindi rin niya itinago ang kanyang pagkainis sa pagbabalewala ng gobyerno sa mga car smuggler.

Miyerkules, kasama ang motoring media kami’y nag almusal sa Hotel Intercontinetal sa Makati at pagkatapos ay tumulak na papuntang Subic Bay gamit ang full line-up ng Edi. Ito ay ang crossover na 3008, 7-seater na 5008, ang 508 sedan, at siyempre ang Peugeot sportscar na RCZ. Hindi halatang diesel ang makina ng mga ito maliban sa RCZ na may petrol engine. Malakas ang hatak at tahimik. Sa loob ng Subic namin inikot ang mga ito at talaga namang napakasarap imaneho ng isang European car na alam mong matipid at environment-friendly pa dahil sa kanilang micro-hybrid technology.

Isinantabi ni Mabilog ang malaking profit margin kapalit ng maraming benta. Tiwala rin siya na kaya nilang abutin ang kanilang target na 5% market share. Kudos to Edi! Maraming salamat FJM at Dong Magsajo!

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply