Bagong LPA papasok sa PAR sa Lunes

POSIBLENG pumasok sa teritoryo ng bansa, ang bagong low pressure area (LPA) na namataan sa tuktok ng Northern Luzon, ayon sa ulat kaninang umaga ng state weather forecasters.

Pero sa ngayo, sinabini PAGASA forecaster Jori Loiz na lumabas sa kanilang model na ang potensyal na bagyo o  cyclone, ay hindi agad makakaapekto sa bansa.

“Baka pumasok ito sa Lunes… nasa itaas na ito, ka-level ng Northern Luzon. Pagpasok niya medyo tataas siya,” pahayga ni Loiz.

Sinabi rin ni Loiz na may inaasahan pang dalawa hanggang tatlong bagyo ang PAGASA na papasok sa PAR ngayong bvuwan.

Nauna rito, sinabi ni PAGASA forecaster Elvie Enriquez na inaasahan na ang mga bagyong papasok sa bansa ay tatama sa kalupaan.

Nito lamang nakaraang Biyernes, lumabas na ng PAR ang  Tropical Storm Marce at nag-iwan itong isang patay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply