Bagong serye ni Bea Binene flopsina na sa rating, may demanda pa kay Atty. Topacio

NGAYON magmayabang ang mag-inang Carina at Bea Binene na matapos tulungan at suportahan sa mga usaping ligal ng controversial lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio ay itinapon na lang na parang basahan ng starlet na younger version yata ni Marianita Rivera pagdating sa kamalditahan. At dahil walang utang na loob nga, hayan at unti-unti na siyang kinakarma.

Maliban sa nangungulelat sa rating ang kanyang pang-umagang drama series na Cielo de Chuvanes, natuloy na rin ang pagsampa ng demanda ni Atty. Topacio sa kanya at mommy niyang si Mrs. Carina para sa kasong civil sa pagtanggi na legal counsel siya ng mga ito. Sa Regional Trial Court ng Tanauan City, Batangas province isinumite ang naturang complaint ng abogado ng ilang prominenteng personalidad. milyon-milyon ang ang hinihinging danyos at kung inaakala nina Mrs. Carina at Bea na simpleng kaso lang ang hindi nila pagkilala kay Atty. Topacio bilang nauna nilang legal counsel, nagkakamali sila dahil sinisira nila ang pangalan ng sikat na lawyer.

As of presstime, inihahanda na rin ni Atty. Topacio ang isa pang demanda laban sa mga Binene, na this time ay  isasampa naman niya sa Palawan kung saan may ilan siyang properties.

***

Red carpet premiere ng ‘Suddenly It’s Magic’ ipalalabas sa 2 sinehan ng SM Megamall

HANDA nang paibigin ng Thai heartthrob na si Mario Maurer ang kanyang Pinoy fans sa nalalapit nang pagpapalabas ng “Suddenly It’s Magic” kung saan kapareha niya ang isa sa pinakamahuhusay na drama princesses ng Pilipinas na si Erich Gonzales. Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at direksyon ni Rory B. Quintos, ang Suddenly It’s Magic ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa October 31.

Ito ay isang makabagong feel-good fairy tale tungkol sa isang Thai superstar na si Marcus (ginagampanan ni Mario) na lumipad patungong Pilipinas upang takasan ang magulo niyang buhay-showbiz. Sa ibang bansa, biglang makikilala ni Marcus si Joey (ginagampanan ni Erich), isang Filipina baker na wala nang tiwala sa pag-ibig ngunit magsisilbing rason upang magka-‘magic’ ang buhay ng Thai celebrity.

Kilala sa kanyang Asian fans bilang si Shaun sa hit Thai movie na “Crazy Little Thing Called Love”, ibinahagi kamakailan ni Mario kung gaano siya kasaya na makasama si Erich bilang leading lady niya sa pelikula. “Erich is very funny. When we talk, she has so many characters. She’s very playful, that’s why I’m happy to be with her,” ani ni Mario. “She can rap, she can do beatbox, and she tries to make me sing for her, and I just would- n’t!”

Hindi rin naman nalalayo ang panlasa ni Mario sa mga Pinoy. Nagustuhan rin ng Thai heartthrob ang iba’t ibang  pagkaing Pinoy katulad ng pork barbeque at adobo na si Erich mismo ang nagluto para sa kanyang kapareha sa pelikula. Kinunan sa dalawang major locations–Ilocos sa Pilipinas at Bangkok sa Thailand–nag-aral pang mag- salita ng Filipino si Mario para lamang sa kanilang pelikula.

Mapanonood na ito sa mga sinehan nationwide sa October 31, 2012. Ipalalabas rin ito sa Thailand ngayong taon. May red carpet premiere rin ang pelikula sa dalawang sinehan ng SM Megamall sa Martes, October 30, na dadaluhan ng buong casts led by Mario and Erich. Ginawang dalawa ang paglalabasan nito para ma-accomodate ang libu-libong fans ng Thai actor na atat nang mapanood ang nasabing romantic-comedy movie of the year!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply