Baguio bumagyo sa taekwondo at swimming competitions

BUMULUSOK ang Baguio City sa taekwondo at swimming competitions upang agawin ang overall standings sa host province Pangasinan sa day 3 ng 2012 POC-PSC Batang Pinoy Games Northern Luzon leg kahapon.

Namuno sa overall standings ang Pangasinan matapos dominahin ang athletic competitions sa day 2 subalit umarangkada ang Baguio City jins ng 13 gintong medalya sa taekwondo na ginanap sa Pangasinan and Development Center  at nagdagdag pa sa swimming event upang ilista ang 56 gold, 40 silver at 36 bronze medals.

Lumagapak ang Pangasinan sa second overall na may sinukbit na 47, 70 at 65 gold, silver at bronze medals ayon sa pagkakasunod.

Ang mga Baguio City Batang Pinoy na nagwagi ay sina , flyweight Monsour Carlo Salazar, finweight Christian Mark Duntugan, sa junior men’s division, sa bantamweight Tristan Dale Cayago, featherweight Kendrix Klyndale Galiah, lightweight John Gervin Astrologio, welterweight Rencer Shane Lavestre at middleweight John Christian Mapalo.

Sa distaff side ng junior class ng Baguio City, nanaig sina finweight Angelica Joyce Gaw, flyweight Key­va Arizza David, bantam­weight Coleen Heria, fea­therweight Leslie Marie Agyamoc, lightweight Phoebie Kate De Guzman at welterweight Kaye Shanelle Romuar.

Sa swimming event na ginanap sa Dagupan Poolsite, nilangoy nina Jenkins Labao (boys’ 13-15 100m butterfly at 200m Individual Medley), Elise Liana Labao (girls’ 12-under 50m backstroke) at Natasha Felise Igama (girls’ 12-under 50m freestyle) ang gold medals.

Samantala, patuloy na kumikinang ang 11-anyos na si Jamleth Marie Villa­nueva ng Olongapo sa swimming event ng kampayin nito ang kanyang ika-anim na ginto sa girls’ 12-under 100-meter butterfly sa oras na 1:17.24.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply