Bagyong Nina, malakas pa rin

IPINAHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nananatili ang lakas ng bagyong ‘Nina’ habang tumatahak ito pa-Kanluran, Hilagang Kanluran sa bilis na pitong kilometro bawat oras.

Namataan ng PAGASA ang typhoon ‘Nina’ sa layong 190 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng super bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 150 kilometro kada oras.

Wala namang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang panig ng bansa dahil ayon sa PAGASA, malayo naman ang distansya nito sa kalupaan at posibleng hindi ito direktang manalasa sa bansa.

Pinayuhan pa rin ng Weather Bureau ang mga maglalayag sa karagatan na huwag munang pumalaot lalo na sa Silangang bahagi ng bansa dahil sa malalaking alon at malakas na hanging taglay ng super bagyong ‘Nina’.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply