Bagyong ‘Nina’ nakapasok na sa PAR

NAKAPASOK na ang bagyong Nina sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-onse ng umaga, ang bagyong Mina ay nasa 1,260 kilometers ng silangan ng Cagayan.

Taglay ni “Nina” ang hangin na 75 kilometers pe hour at gustiness o pagbugsong aabot sa 90 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran sa bilis na 9 kph.

Gayunman, wala pang ipinalabas na storm warning signal saan mang parte ng bansa.

Samantala, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa 340 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Inaasahang magdudulot ito ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Cagayan, Isabela, Aurora, Calabaron, at Bicol region.

Ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang patuloy na nagpapaulan ngayon sa Palawan at Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply