Bagyong Nina sa Miyerklues pa lalabas ng bansa

INAASAHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na sa Miyerkules pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Nina.

Batay sa huling ulat ng ahensya, lalong bumagal ang bagyo Nina at tinatahak na nito ngayon ang Hilaga –Kanluran ng bansa sa bilis na 5 kilometro kada oras.

Huling namataan si Nina kanilang alas 4:00 ng madaling araw sa layong 870 km Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 130 KPH malapit sa gitna at may pagbugso na 160 KPH.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply