Bagyong Ofel magpapataas sa presyo ng bulaklak

MALAKI ang pangamba ng mga nagtitinda ng bulaklak sa Metro Manila na posibleng maapektuhan ang kanilang kinikita at produkto sanhi ng bagyong “Ofel” .

Ang pangamba ay sanhi ng posibilidad na maantala ng ulan bunsod ng bagyo ang supply ng mga bulaklak  isang linggo bago ang Undas.

Karamihan sa mga bulaklak na itinitinda sa Dangwa, Maynila ay nagmumula sa  Northern Luzon na maaring maapektuhan ng naturang sama ng panahon.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng mga flower vendor na sapat ang supply  ng kanilang mga produkto subalit asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga ito sa mga susunod na araw.

Sa Dangwa, nasa P180 ang presyo ng isang dosenang carnation; rosas, P120 per dozen at nasa P300 hanggang P350 naman ang floral arrangements.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply