Baha, landslides banta sa Palawan, VisMin

NANGANGANIB na magkaroon ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa bahagi ng  Palawan, Visayas at  Mindanao dahil sa isang sama ng panahon malapit sa Surigao ngayong linggo.

Ayon sa  PAGASA, ang nasabing  low-pressure area (LPA) ay tinatayang  nasa bisinidad ng Surigao del Norte kaninang alas 2:00 ng madaling araw at nakapaloob sa Inter-tropical Convergence Zone na nakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Dahil dito, makararanas ng maulap na may banayad hanggang sa malakas na pag-ulan  na maaaring magdulot ng biglang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Bicol at nalalabing bahagi ng Mimaropa  ay magkakaroon ng minsang mahina at banayad na pag-ulan pagkulog at pagkidlat.

Ayon sa PAGASA, magkakaroon aniya ng maulap na may pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng  Luzon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply