Bahay naabo sa Quezon City

NAABO ang isang two-storey house sa sunog na naganap sa Kapiligan Street, Barangay Doña Imelda, Quezon City.

Sa ulat sa radyo ngayong umaga, anim na pamilya ang naghahati-hati sa naturang bahay.

Nabatid na lahat ng naninirahan sa naturang bahay ay nasa labas ng bahay dahil mayroong medical mission sa kanilang lugar.

Sa ulat, sinabi na sa ikalawang palapag nakita ng ilang residente na malaki na ang apoy sa loob ng bahay.

Walang nadamay na bahay sa sunog dahil nagtulung-tulong ang mga residente na apulahin ang apoy at agad na rumesponde rin ang mga bumbero.

Wala ring naiulat nasaktan sa nasabing sunog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply