Bahay ng reporter nilooban

KUMPIYANSA si Quezon City Police District station 1 Commander Supt. Osmundo de Guzman na malulutas nila ang panloloob sa bahay ng reporter ng Philippine Star na si Jaime Laude noong araw ng Huwebes Oktubre 18, 2012.

Ayon kay Supt De Guzman mayroon na silang lead na tinutunton sa pagkakakilanlan ng dalawang lalaking suspek na kayumanggi na nanloob sa bahay ng reporter na sakay ng isang tricycle.

Sa isang interbyu sinabi ni De Guzman na hawak na rin nila ang isang witness na nakakita sa dalawang papatakas na suspek sakay ng kulay asul na tricycle na may body marking na numerong 053 bukod pa sa finger print na nakita sa loob ng apartment building sa bahay ni Laude.

Sinabi pa ng opisyal na dumaan ang mga suspek sa main entrance ng apartment unit kung kayat madaling nakapasok ang mga suspek at dinistrongka ang harapang pintuan sa bahay ng reporter.

Nitong nakalipas na Huwebes, dakong alas 2:00 ng hapon nang looban ang bahay ni Laude at natangay ang humigit-kumulang P120,000 ng cash, laptop at digicam at iba pang gamit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply