Bahay sa loob ng Manila North Cemetery, bawal na

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) ang pagtatayo ng mga bahay o barung-barong sa loob ng sementeryo.

Ayon kay Edgardo Noriega, administrator ng Manila North Cemetery, ito ay upang hindi pamugaran ng mga kriminal ang loob ng sementeryo.

Aniya, karaniwan nang nagiging hide out o balwarte’t taguan ng masasamang elemento tulad ng mga snatcher ang sementeryo at nagiging lugar pa ng bentahan ng droga.

Samantala, 10 bahay na ang giniba sa loob ng MNC bilang paghahanda sa Undas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply