Balwarte ng LP ang Marikina noon at ngayon

BUKAS ng umaga ang filing ng certificate of candidacy ni Mayor Del R. De Guzman at ang buong Liberal Party sa Marikina.

Inaasahan natin na sabay-sabay magpa-file sina De Guzman, Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, Rep. Marcy Teodoro, at Rep. Miro Quimbo kasama ang mga umaasang mapabilang sa LP slate para sa pagka-konsehal. Ang mga local officials ay dito sa Comelec office sa Marikina ang filing. Sa Comelec sa Intramuros naman ang mga congressman.

Ngayon din natin malalaman kung tatakbo nga ba sina BF at MCF.

Natural, marami ang umaasa na tatakbo ang mag-asawa para may pondo ang mga political leaders nila. Sabi nga ng iba, itong mga nakapaligid sa kanila lang ang nagsasabi na tatakbo ang mag-asawa.

Ayon sa isang source na itatago natin sa pangalang Kap Z, sinabi umano ni chairman sa isang pulong na kailangan niyang tutukan ang kanyang negosyo lalo na dahil sa nakuha nilang malaking project sa Region I para sa DepEd.

Ang balita nga nadagdagan pa raw ito ng isa pang malaki ring project sa Cebu. Tila ang ine-endorso ni chairman ay si Ome Candazo para sa pagka-mayor. Marami naman daw sa mga kasamahan nila ang hindi pabor dito.

Kaya kung ating pagtatagni-tagniin ay ito marahil ang pinakamalaking factor kung bakit dumami ang hanay ng LP Marikina nang magtungo ito sa isang orientation sa Balai ni Mar Roxas sa Araneta Center, Cubao.

Marami sa mga nasa kabilang partido a few weeks ago ay lumipat na sa LP pagkatapos marinig mismo galing sa bibig ni chairman na di sila tatakbo.

Sa pagkakakilala ko sa mag-asawa, sila ang tipo na talagang tinututukan ang trabaho at di ito iiwanan hanggang di pa natatapos. Napakalaki na nang kontribusyon nila sa Marikina.

Isa itong legacy na dapat ipasalamat ng lahat ng residente ng Marikina.

Kaya’t bukas natin malalaman kung walang matibay na kalaban si Mayor Del sa 2013 o may bubulaga na lang sa atin at mag-file ng COC sa last two minutes.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply