Bam Aquino, Risa Hontiveros sabay nag-file ng CoCs

SABAY na naghain ng kanilang certificate of candidacies (CoCs) sina dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros at pinsan ni Pangulong Aquino na si Bam Aquino sa Commission on Elections.

Inamin ni Bam na nagsisimula pa lamang ang 2012 ay nagsabi na siya kay Pangulong Aquino na kung naghahanap ang Liberal Party ng isang kandidato sa Senado mula sa hanay ng kabataan ay nais niyang mag-apply.

Ikinatuwa rin naman aniya niya na pinayagan siya ng Pangulo na tumakbo bilang senador.

Ang mga kabataan aniya ang kanyang kakatawanin at kanyang isusulong ang trabaho sa mga mahihirap na komunidad.

Wala namang malinaw na pahayag si Bam sa isyu ng political dynasty dahil ang mas importante aniya ay tingnan ang track record ng pamilya Aquino na matagal ng nasa serbisyo publiko.

Ayon naman kay Hontiveros, isusulong niya niya ang mga programang panggkakabaihan sakaling manalo.

Naghain na rin ng kanilang CoCs ang mga taga-Cebu na si Rogelio Tomol at Ulyn Villamor; dating congressman Christian Señeres ng Democratic Party of the Philippines; at Norma Nueva ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply