Banana industry nangungunang export income earner ng bansa – DA

MALAKI ang kumpiyansa ng Department of Agriculture (DA) na ang banana industry pa rin ang nangungunang export income earner sa bansa.

Ayon kay Melanie Provido, Regional Coordinator for High-Value Commercial Crops ng DA-Davao, ito ay dahil walang kakulangan sa supply ng saging sa bansa.

Tiniyak ni Provido na sapat ang banana supply simula noong isang taon.

Sa katunayan batay sa istadistika tumaas na ng 7% ang produksyon ng saging, ngayong taon

Dahil dito nais ng DA na palawigin pa ang eksportasyon ng produkto ng saging sa iba pang international market matapos tuluyan ng hindi mag-angkat ang Iran ng saging sa bansa.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Bernadette Puyat, naghahanap na sila ng mga bagong market para sa nasabing produkto at partikular nilang nais suyuin ay ang mga nasa parte ng Asia at Middle East.

Kaugnay nito, mas palalawigin rin aniya ng DA ang eksportasyon ng saging sa China dahil na rin sa malaking populasyon ng nasabing bansa.

Kabilang naman sa mga namamataan nilang possible market sa Asya ay ang Singapore, Malaysia at Indonesia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply